Kumikitang Kabuhayan: Paano Magsimula ng Negosyo sa Pabango?


Chemworld_Negosyo sa Pabango

Maraming tao na ngayon ang sumusubok na pasukin ang mundo ng pagne-negosyo. Hindi na lamang mga mayayaman o elitista ang nakakapagsimula ng mga ito—maging ang mga karaniwang Pilipino ay kayang-kaya nang magtayo ng sarili nilang kabuhayan. Iba-ibang industriya ang maaaring kabilangan ng mga negosyo; kasama na rito ang paggawa ng pabango o perfume business.

Ang madalas na naiisip kapag narinig ang mga katagang ‘perfume business’ ay mahirap at kumplikado itong gawin. Sa katunayan, madali lamang ito kung pipiliin mong may makatuwang ka sa pagtatayo nito. Kailangan lamang na makasiguro kang maaasahan ang iyong magiging business partner, katulad ng Chemworld Fragrance Factory.

Mahalaga na maging pamilyar sa mga dapat na gawin upang maging matagumpay ang pagkita mula sa paggawa ng pabango. Ibabahagi namin sa inyo ang ilang tips nang sa gayon ay matulungan namin kayo sa pag-unlad.

 Mag-saliksik

Pag-aralan kung paano ginagamit ang mga pabango noon at ngayon. Maigi na ipagkumpara ang mga ito upang malaman ang mga pagbabago sa produksyon at paggamit nito habang lumilipas ang panahon. Sa ganitong paraan ay magiging pamilyar ka sa pinakamahalagang bagay na gagamitin mo sa iyong negosyo—ang pabango. Mas magiging epektibo ang pagbebenta mo nito kung matututunan mo ang mga karaniwang bagay na dapat malaman tungkol dito.

 Alamin ang iyong target market

Hindi mamumunga ang iyong perfume business kung hindi ito tatangkilikin ng mga taong nais mong pagbentahan ng iyong mga produkto. Kinakailangan na matukoy mo ang iyong target market, mapa-bata o matanda man. Alamin kung ano ang mga pinakapatok na amoy ng pabango base sa edad ng mga mamimili at gumawa ng mga epektibong stratehiya kung paano ibebenta ang mga ito. Siguraduhin lamang na pasok ito sa iyong budget at time frame.

Pumunta at makinig sa mga seminar

Malaki ang natutulong ng mga seminar tungkol sa paggawa ng pabango, lalo na kung ikaw ay magne-negosyo. Dito ay matuturuan ang mga interesado sa industriyang ito ng tamang pag-timpla at packaging ng mga produkto. Hindi lamang ito basta diskusyon—magsisilbi rin itong pagsasanay para sa mga magne-negosyo. Isa itong pagkakataon na makakuha ng kaalaman at payo mula sa mga taong nag-tagumpay at kumikita na nang dahil sa pabango. Ang iyong mga matututunan ay maaari mo ring ituro sa iyong mga empleyado nang sa gayon ay maging epektibo sila sa kanilang trabaho.

Kumuha ng inspirasyon mula sa kalikasan

Hindi lingid sa ating kaalaman na ang mga karaniwang nagiging scent ng mga pabango ay nagmula sa mga halaman, bulaklak, atbp. Isang dahilan ito upang ikaw ay maging konektado sa kalikasan sapagkat dito ka makakakuha ng inspirasyon sa paggawa ng tamang timpla ng mga pabangong iyong ibebenta. Hindi dahil puro kemikal ang laman ng isang pabango ay hindi na ito pwedeng mabahiran ng magandang impluwensya ng kalikasan.

Mag-eksperimento

Mainam ang may alam tungkol sa mga amoy ng pabango na nakasanayan na, ngunit iba pa rin ang paggawa ng sariling scents. Mas makakapag-iwan ka ng sarili mong tatak sa merkado at mas madali kang magkakaroon ng mga mamimili. Hindi rin dapat tumigil sa pag-eksperimento kung ano pa ang pwedeng gawin at ibenta; huwag maubusan ng mga bagong ideya dahil ang mga ito ang bubuhay sa iyong negosyo.

 

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *